Skip Navigation

DVD Ilustrado Multilíngue

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


 

Baixar Versão em PDF  O Que é PDF?
 

Capítulo 1   Introdução

Ang mabisang proseso kung saan ang isang-selulang zygote ng tao ay nagiging 100-trilyon-selulang matanda ay maaaring pinaka-pambihira sa buong kalikasan.

Alam na ngayon ng mga mananaliksik na marami sa karaniwang tungkuling ginagampanan ng matandang katawan ay itinatatag sa panahon ng pagbubuntis - madalas matagal pa bago ipanganak.

Ang panahon ng paglaki bago ang kapanganakan ay mas naiintindihan na bilang panahon ng paghahanda kung kailan ang lumalaking tao ay kumukuha ng maraming mga istraktura, at sinasanay ang maraming kakayahan, na kinakailangan para mabuhay pagkapanganak.

Capítulo 2   Terminologia

Ang pagbubuntis sa tao ay karaniwang umaabot ng mga 38 linggo na binibilang mula sa panahon ng fertilization, o paglilihi, hanggang panganganak.

Sa unang 8 linggo pagkaraan ng fertilization, ang nabubuong tao ay tinatawag na embryo, ibig sabihin ay "lumalaki sa loob." Ang panahong ito, na tinatawag na embryonic period, ay nakikilala sa pamamagitan ng pag-aanyo ng karamihan sa pangunahing sistema ng katawan.

Mula sa pagkumpleto ng 8 linggo hanggang sa katapusan ng pagbubuntis, "ang nabubuong tao ay tinatawag na fetus," na nangangahulugang "anak na hindi pa isinisilang." Sa panahong ito, na tinatawag na fetal period, ang katawan ay lumalaki at ang mga sistema nito ay nagsisimulang gumanap.

Lahat ng edad ukol sa embryo at fetus sa programang ito ay tumutukoy sa panahon mula sa fertilization.