| |
Capítulo 40 3 a 4 Meses (12 a 16 Semanas): Papilas Gustativas, Movimento de Mandíbula, Reflexo de Sucção, Percepção dos Primeiros Movimentos do Feto
|
| |
| Sa pagitan ng 11 at 12 linggo,
ang timbang ng fetus
ay tumataas ng halos 60%.
Labindalawang linggo
ang hudyat ng unang ikatlo,
o trimester, ng pagbubuntis.
|
| Ang natatanging taste buds
ay tumatakip ngayon sa loob ng bibig.
|
| Sa kapanganakan,
ang taste buds ay mananatili
sa dila lamang at bubong ng bibig.
|
| Ang pagdumi ay nagsisimula
nang kasing-aga ng 12 linggo
at magpapatuloy ng mga 6 na linggo.
Ang unang bagay na tatanggalin mula
sa bituka ng fetus at bagong panganak
ay tinatawag na meconium.
Ito ay binubuo ng digestive enzymes,
mga protina, at mga patay na selula
na inilalabas ng
daanang panunaw ng pagkain.
|
| Sa 12 linggo, ang haba
ng itaas na kamay o paa
ay halos naabot ang pangwakas
na proporsiyon sa laki ng katawan.
Ang mga paa ay mas nagtatagal
na nagkakamit ng pangwakas
na proporsiyon.
|
| Hindi kabilang ang likod
at tuktok ng ulo,
ang katawan ng buong fetus
ay tumutugon ngayon sa magaan na hipo.
|
| Ang mga pagkakaiba ng paglaking
nakadepende sa kasarian
ay makikita sa unang pagkakataon.
Halimbawa, ang mga babaeng fetus
ay nagpapakita ng paggalaw ng panga
nang mas madalas kaysa sa mga lalaki.
|
| Na kabaliktaran ng tugon
na pag-urong na nakita sa una,
ang pagpukas malapit
sa bibig ngayon ay nagtatamo ng
ng pag-ikot tungo sa pagpukaw
at ng pagbuka ng bibig.
Ang pagsagot na ito
ay tinatawag na "rooting reflex"
at ito'y nagpapatuloy pagkapanganak,
tinutulungan ang bagong panganak
na hanapin ang utong ng kanyang ina
habang nagpapasuso.
|
| Ang mukha ay patuloy na tatanda
habang ang mga taba ay nagsisimulang
pumuno sa mga pisngi
at ang pagkabuo ng mga
ngipin ay nagsisismula.
|
| Sa 15 na linggo, ang stem cells
na gumagawa ng dugo ay darating
at dumarami sa bone marrow.
Karamihan sa pagbuo ng selula
ng dugo ay nangyayari dito.
|
| Bagaman ang mga galaw ay nagsisimula
sa 6 nalinggong embryo,
ang buntis na babae ay unang
makakaramdam ng galaw ng fetus
sa pagitan ng 14 at 18 na linggo.
Karaniwan, ang pangyayaring ito
ay tinatawag na quickening.
|