| |
Capítulo 41 4 a 5 Meses (16 a 20 Semanas): Resposta ao Estresse, Verniz Caseoso, Ritmos Circadianos
|
| |
| Sa 16 na linggo, ang pamamaraan
na may pagpapasok
ng karayom sa tiyan ng fetus
na nagtutulak sa hormonal stress response
na naglalabas ng noradrenaline,
o norepinephrine, sa daanan ng dugo.
|
| Sa sistema ng paghinga,
ang bronchial tree ay malapit nang mabuo.
|
| Ang pananggalang na puting sangkap,
na tinatawag na vernix caseosa,
ay bumabalot ngayon sa fetus.
Ang vernix ay nagpoprotekta sa balat
laban sa nakakainis na epekto
ng amniotic fluid.
|
| Mula 19 na linggong paggalaw
ng fetus, paghinga,
at ang tibok ng puso ay nagsisimulang
sumunod sa araw-araw na pag-inog
na tinatawag na circadian rhythms.
|
Capítulo 42 6 a 7 Meses (24 a 28 Semanas): Reflexo Cócleo-Palpebral e de Sobressalto; Pupilas Respondem à Luz; Olfato e Paladar
|
| |
| Sa 20 linggo ang cochlea,
na bahagi ng pandinig,
ay umabot na sa laki ng matanda
sa isang ganap na nabuong
panloob na tainga.
Mula ngayon,
ang fetus ay tutugon
sa lumalaking abot ng mga tunog.
|
| Ang buhok ay magsisimulang
tumubo sa anit.
Ang lahat ng patong ng balat
at mga istraktura ay naroon,
kabilang ang hair follicles at glands.
|
| Sa 21 hanggang 22 linggo
pagkaraan ng fertilization,
ang baga ay magkakaroon ng ilang
kakayahang lumanghap ng hangin.
Ito ay itinuturing na edad
na may kakayahang mabuhay
dahil ang pananatiling buhay
sa labas ng sinapupunan
ay nagiging posible
para sa ibang mga fetus.
|