| |
Desenvolvimento Embrionário: 4 a 6 Semanas
Capítulo 11 4 Semanas: Líquido Amniótico
|
| |
| Sa 4 na linggo
ang malinaw na amnion
ay bumabalot sa embryo
sa puno ng likidong sac.
Itong isterilisadong likido,
na tinatawag na amniotic fluid,
ay nagbibigay sa embryo
ng proteksyon laban sa pinsala.
|
Capítulo 12 O Coração em Ação
|
| |
| Ang puso ay karaniwang tumitibok
ng halos 113 beses kada minuto.
Tingnan kung paano
nagbabago ng kulay ang puso
habang pumapasok, lumalabas ang dugo
sa mga lugar nito sa bawat tibok.
Ang puso ay titibok
ng humigit-kumulang na
54 milyon beses bago ang pagsilang
at mahigit 3.2 bilyon beses
sa 80-taong buhay.
|
Capítulo 13 O Crescimento do Cérebro
|
| |
| Ang mabilis na paglaki ng utak ay
mapapatunayan ng nagbabagong anyo
ng forebrain,
midbrain,
at hindbrain.
|
Capítulo 14 Brotos dos Membros
|
| |
| Ang pagkabuo ng bisig
at binti ay nagsisimula
sa anyo ng limb buds sa 4 na linggo.
|
| Sa balat ay makakaaninag sa puntong ito
dahil ito ay isang
selula lamang ang kapal.
Sa pagkapal ng balat,
hindi na makakaaninag dito,
nangangahulugang ang maaari lamang
makita ay ang mga panloob na sangkap
na mabubuo sa halos isa pang buwan.
|
Capítulo 15 5 Semanas: Hemisférios Cerebrais
|
| |
| Sa pagitan ng 4 at 5 na linggo,
ang utak ay magpapatuloy
sa mabilis nitong paglaki
at mahahati sa 5 natatanging seksyon.
Ang ulo ay binubuo ng halos
1/3 ng kabuuang laki ng embryo.
Ang cerebral hemispheres ay lilitaw,
unti-unting nagiging
pinakamalaking bahagi ng utak.
Sa mga tungkuling kokontrolin
ng cerebral hemispheres
ay kabilang ang mga iniisip, natututunan,
memorya, pagsasalita, paningin,
pandinig, kusang galaw,
at paglutas ng problema.
|
Capítulo 16 Vias Respiratórias Principais
|
| |
| Sa sistema ng paghinga,
ang kanan at kaliwang
main stem bronchi ay naroon
at sa huli ay magdudugtong
sa lalaugan, o windpipe,
sa baga.
|
Capítulo 17 Fígado e Rins
|
| |
| Tingnan ang malaking atay
na pumupuno sa tiyan
katabi ng tumitibok na puso.
Ang permanenteng mga bato
ay lilitaw pagkaraan ng 5 linggo.
|
Capítulo 18 Saco Vitelino e Células Germinativas
|
| |
| Ang yolk sac ay nagtataglay
ng maagang selulang paglikha
na tinatawag na germ cells.
Sa 5 linggo
ang mga suson ng mikrobyo ay lilipat
sa mga sangkap ng paglikha
malapit sa mga bato.
|
Capítulo 19 Placas da Mão e Cartilagem
|
| |
| Sa 5 linggo din,
ang embryo ay nakabubuo
ng ohas ng kamay,
at ang pagbuo ng butong mura
ay nagsisimula sa 5 1/2 linggo.
Dito ay makikita natin
ang kaliwang ohas ng kamay
at pulso sa 5 linggo at 6 na araw.
|